ANG inakalang umaatikabong aksyon, puro porma lang pala. Ganito ang paglalarawan ng mga nakasaksi sa naganap na girian sa pagitan nina Sen. Robin Padilla at Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla sa loob ng gusali ng senado.
Naganap ang girian matapos umanong tangkain ni Remulla pigilan ang pagpasok ni Senador Pia Cayetano at 18 dating sundalo na inanyayahan tumestigo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng flood control scandal.
Nagkataon naman kasama ni Sen. Pia si Padilla na agad na gumitna para sawin si Remulla sa pagharang sa mga dating sundalo patungo sa bulwagan kung saan karaniwang idinadaos ang pagdinig ng senado.
Gayunpaman, itinanggi ni Remulla ang paratang na hinahadlangan niya umano ang pagpasok ng mga dating sundalong inanyayahan ni Cayetano para tumestigo.
Bago pa man nangyari ang sigalot, naglabas ng kautusan si Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian sa mga kawani ng senado. Nakasaad sa memorandum ni Gatchalian ang maagang pagpapauwi sa mga senate employees na inatasan gawin na lang ang trabaho sa kani-kanilang tahanan.
Sa kabila ng direktiba ni Gatchalian, itinuloy ng kampo ni Pia kasama sina Senate President Alan Peter Cayetano, Senador Rodante Marcoleta at Imee Marcos ang pagdinig.
