HINDI pwedeng balewalain ng iba’t ibang social media platforms ang mandatory child only safety standards.
Ito ang buod ng panukalang inihain sa Kamara ni House Speaker Faustino Dy III at Majority Leader Sandro Marcos bilang proteksyon sa hanay ng mga kabataang nalalagay sa peligro at pang-aabuso.
Tampok sa House Bill 9965 (Children’s Social Media Safety Act) ang pagpapataw ng tumataginting na P50-milyong multa laban sa social media platform na lumabag sa mandatory child online safety standards.
Bukod sa multa, tinutulak din ng mga ranking House leaders ang temporary restriction sa access sa social media platforms kung hindi man patigilin sa operasyon — kung paulit-ulit lang ang paglabag sa probisyon.
Layunin ng HB 9965 magkaroon ng “comprehensive regulatory framework” hinggil sa paggamit ng mga bata sa social media platforms, kasabay na rin sa pagsusulong ng “responsible, age-appropriate digital engagement” sa pamamagitan ng matibay na safeguards, platform accountability, parental supervision, at digital literacy mechanism.
“In the digital age, this duty extends to ensuring that children are protected from risks arising from the use of social media and other digital platforms. At its core, this bill recognizes that every child deserves a safe environment to grow, learn, and develop free from harm both in the physical and digital world,” saad pa sa explanatory note ng panukala.
Ikinababahala rin ng mga may akda ang lumabas sa pag-aaral na dahil sa sobrang paggamit sa social media, maraming bata ang nakakaranas ng mataas na antas ng anxiety at depression, low self-esteem, sleep disruption, cyberbullying, exposure sa harmful content, at compulsive use dala ng platform design.
“It also warned that children are increasingly exposed to misleading and artificially generated content that can distort reality and adversely affect their development.”
Kabilang rin sa isinusulong ng panukala ang pagbabawal sa mga may edad 13 years old pababa gumamit ng social media sa bisa ng “reliable age verification systems” na may kakayahan o-disable ang makikitang prohibited accounts.
Tinutulak din ng HB 9965 magkaroon ng safeguards para mapigilan ang mga bata na patuloy na gumawa ng bagong accounts para makalusot sa pagbabawal.
Para sa 13 anyos hanggang below 18 years old, kailangan may verifiable parental o guardian consent at active, continuous supervision bago magkaroon ng access. Ang platform operators ay dapat nagsasagawa ng periodical re-verify users’ age at parental consent, kung saan awtomatiko nitong ititigil o sususpindehin ang access kapag binawi o hindi nakapagbigay ng panibagong consent.
Para sa mas epektibong pagpapatupad kapag ganap na maging batas, dapat magkaroon ng koordinasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Education (DepEd) na maglagay ng digital literacy at ethical social media use sa K to 12 curriculum.
Kailangan ding sumailalim sa mandatory regular training para sa mga guro at awareness programs naman sa mga magulang at bata para mapalakas ang online behavior at digital well-being.
Sa mga lalabag sa alinmang probisyon nito, may itinakdang administrative fines sa na mula P5 million hanggang P50 million, suspensyon kundi man tuluyang pagkapon sa operasyon.
