MATAPOS ang isang taon mula nang simulan ang pagliban sa trabaho bilang mambabatas, binigyan lang ng 15 araw si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa para sagutin ang reklamong inihain sa Senate Committee on Ethics and Privileges..

Sa dokumentong tinanggap ng kampo ni Dela Rosa, inatasan ang mambabatas magpaliwanag hinggil sa hindi pagtupad sa sinumpaang tungkulin bilang senador at iba pang trabahong bahagi ng mandato.

Ayon kay Senador Vicente Sotto III na tumatayong chairman ng nasabing komite, binigyan lang su Dela Rosa hanggang Disyembre 5 para sagutin ang reklamong inihain ng grupong “Wag Kang KuCorrupt.

Sa rekord ng senador Nobyembre 2025 pa nang magtago si Dela Rosa bunsod ng paglabas ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) para sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.

Huling lumutang sa publiko si Dela Rosa noong Mayo ng kasalukuyang taon bilang pakikibahagi sa inilunsad na kudeta sa liderato ng senado.

May P50 milyong pabuya ang gobyerno sa anumang impormasyon sa ikadarakipng puganteng senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *