MATAPOS ang dalawang buwan, unti-unting nagkakalinaw ang posibleng kahihinatnan ni Senador Robin Padilla bunsod ng umano’y pagtulong sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Pag-amin ng Atty. Polo Martinez na tumatayong tagapagsalita ng Department of Justice (DOJ), patuloy ang tinatawag na case build-up sa reklamong obstruction of justice na inihain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa kay Padilla.
Madaling araw ng Mayo 14 nang isakay umano ni Padilla si Dela Rosa (na pakay ng arrest warrant mula sa International Criminal Court ) sa puting SUV palabas ng Senado matapos ang putukan sa loob ng gusali.
Nauna nang sinabi ni DOJ Undersecretary Ian Norman Dato na isinaqilalim ang reklamo sa karagdagang imbestigasyon dahil hindi pa umano “hinog” ang mga ebidensya para mapatunayan ang sabwatan sa pagitan ni Padilla at Dela Rosa.
