BUHAY pa sana ang isang matandang pasyente kung agad na tumugon ang lokal na pamahalaan sa tawag ng saklolo. Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang social media post ng anak ng 71-anyos na pasyente mula sa Maharlika Village sa lungsod ng Taguig. Ibinahagi rin ni Remulla ang ikinasang imbestigasyon sa naging paghawak ng emergency call sa 911 hotline. Kwento ng netizen sa Kasunod ito ng viral na post sa social media ng isang lalaki na humingi ng tulong sa 911 para sa kanyang ama na umano’y nangangailangan ng agarang medical assistance. Batay sa paunang ulat ni DILG Emergency Call 911 Director Francis Fajardo, natanggap ng 911 ang tawag alas 12:15 ng tanghali noong Sabado hinggil sa isang 71-anyos na pasyenteng na nangangailangan ng ambulansya matapos makaranas ng mild stroke. Sa ulat ni Fajardo, agad umanong ipinagbigay-alam sa Taguig Command Center ang tawag ng saklolo sa loob lang ng dalawang minuto. Nangako pa umano ang Taguig Command Center na agad magpapadala ng ambulansya. Gayunpaman, inabot ng alas 6:00 ng hapon, walang dumating tulong. Dakong alas 7:00 ng gabi, dumating ang ambulansya pero agaw-buhay na ang matanda. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Illegal gambling bistado, 17 dayuhan kalaboso Umento swak sa mga kawani ng Manila City Hall