KALABOSO ang ending ng 17 dayuhan sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang Bureau of Immigration (BI). Unang sinalakay ng mga operatiba ang isang condominium unit sa Pasay na una nang nakumpirmang nagpapatakbo ng illegal online gambling sites. Dito na inaresto ang walong Chinese nationals at isang Vietnamese na pawang huli sa akto habang nangangasiwa ng illegal online gambling sites. Sumunod naman pinasok ang dalawang villa sa Angeles City sa lalawigan kung saan walong Korean nationals ang na-aktuhan habang nagpapasugal online gamit ang iba’t-ibang high-tech gadgets. Kasalukuyang nakapiit ang mga dayuhan sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Panibagong warrant kontra Alice Guo, kasado