WALANG dahilan para bumilib ang mga mamamayan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. — maliban na lang kung magagawa ng administrasyon ganap na ipakulong ang umano’y “mastermind” sa likod ng flood control scandal. Sa isang panayam sa Bilyonaryo News Channel, partikular na tinukoy ni Navotas Rep. Toby Tiangco si dating House Speaker Martin Romualdez na pinsan ng Pangulo. Ayon kay Tiangco, hindi sapat na mga engineers at kontratista lang ang panagutin sa aniya’y pinakamalaking anomalya sa kasaysayan ng bansa. “That’s problem number one… ang pinaka importante kasi is yung biggest fish na si former Speaker Martin Romualdez,” tugon ni Tiangco nang tanungin kung may mapapanagot ang administrasyong Marcos sa flood control scandal. “It doesn’t matter kung ilang DPWH engineers ang mapakulong niya, contractor na mapakulong niya, kung hindi niya ipakulong si former Speaker Martin Romualdez,” dagdag pa niya. Para kay Tiangco, malaking bentahe sa administrasyong Marcos ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Romualdez para patunayan na seryoso ang gobyerno panagutin ang mga mandarambong sa pamahalaan. “Kung hindi ma-file-an ng plunder si former Speaker Martin Romualdez, ano ang iisipin ng tao? Ang iisipin ng tao is baka naman may hawak siya laban sa inyo because of what he said na ‘I will not go down alone’ at saka marami siyang alam.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Unprogrammed funds sa 2027 NEP, bistado