NAHAHARAP sa panibagong gastusin ang pamahalaan sa sandaling ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, nasa P8 bilyon sa halos P20 bilyong pondo ang naubos na ng ahensya sa paghahanda sa nalalapit na halalan.

Kabilang aniya sa pinaggamitan ng pondo ang pagpapalimbag ng mga balota at iba pang election forms na gagamitin sa BSKE.

Sa sandaling magpasya ang Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon, asahan din aniya ang mas malaking gastusin bunsod ng paglobo ng mga botante sa muling pagbubukas ng voters registration.

Gayunpaman, nilinaw ni Garcia na patuloy pa rin ang paghahanda ng Comelec sa naturang halalan hangat wala pang pinal na pasya ang Kongreso kung saan nakabinbin ang panukalang pagpapaliban ng halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *