NAISAPINAL na ng House Committee on Human Rights, na pinamumunuan ni San Jose Del Monte Rep. Arturo Robes, ang consolidation ng anim ng House Bills (HBs) na naglalayong isakatuparan ang karapatan sa sapat na pagkain, o right to adequate food framework ng bawat mamamayang Pilipino.

Kabilang na rito ang House Bill No. 3545, na pangunahing iniakda ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, kung saan binigyang-diin nito ang pangangailangan masolusyunan ang datos na nagpapakitang aabot sa 7.5 million Filipinos ang nakararanas ng involuntary hunger noong nakaraang taon dahil sa kawalan ng pagkain.

Sa explanatory note ng kanyang proposed measure, sinabi ni Speaker Dy na batid niyang mabigat ang hamon sa paglutas sa problema ng pagkagutom sa bansa.

“The goal of eliminating involuntary hunger in ten years will not be an easy feat (requiring) the commitment of a great deal of resources,” ayon pa sa House Speaker.

Kaya naman hinimok ni Speaker Dy ang kanyang mga kapwa mambabatas na agarang maaprubahan ang nasabing panukalang batas at maging bahagi ng legacy ng Kamara, partikular ng kasalukuyang 20th Congress, bilang siyang nagsulong para mai-institutionalized ang Right to Adequate Food, at tiyaking ang mga susunod na generasyon at ligtas na sa kagutuman.

Pagbibigay-diin ng House chief mula sa Isabela, ang hakba na ito ay alinsunod na rin sa layunin ng Sustainable Development Goal No. 2, na target na maabot ang “zero hunger” sa ilalim ng 2030 Agenda.

Bukod dito, sinabi ni Speaker Dy na layunin din ng kanyang panukala na mapatatag ang hakbangin tungo sa pagwawakas ng kagutuman, maabot ang food security, mapabuti ang nutrition, at isulong ang sustainable agriculture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *