HINDI umano dapat tumigil ang gobyerno sa kampanya nito laban sa mga gumagawa at nagbebenta ng pekeng fertilizer products, na dapat ay mapanagot sa paglabag sa batas sa pamamagitan na rin ng pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga ito. “We must be relentless in putting to justice those who seek to hoodwink the government and our farmers by violating fertilizer regulations and selling questionable fertilizer products. Hanggang hindi nakukulong ang mga manlolokong ito ay patuloy ang walang habas na pangaabuso ng sistema at pangdedehado sa ating pamahalaan at mga magsasaka,” ang tigas na sabi ni Abra lone district Rep. JB Bernos, ranking member ng House Committee on Agriculture and Food. Ang pahayag ay ginawa ni Bernos matapos na pangunahan ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) ang paghahain ng kasong kriminal laban sa Davao-based enterprise DO’s Asia Chemical Trading Corp. kaugnay sa PHP25.67-million government procurement contract para sa inorganic fertilizers na ipamamahagi dapat sa mga magsasaka sa Caraga. Ayon kay Bernos, base sa ulat ng FPA, nagsagawa ng fertilizer dealership activities sa nabanggit na rehiyon ang DO’s Asia Chemical Trading Corp. subalit wala itong kaukulang authorization, at ang license to operate nito ay para lamang sa Davao region. Napag-alaman din na ang nasabing kompanya ay gumagamit ng “Spinning Palanggana” fertilizer production method, na mahigpit na ipinagbabawal dahil hindi ito naaayon sa fertilizer quality at uniformity standards. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation OVP, Deped sumablay sa paggamit ng confi funds Panukala kontra gutom, umusad na sa Kamara