KUMPYANSA ang Office of the Ombudsman na maitatawid ang santambak na kasong isasampa laban kay former House Speaker Martin Romualdez sa dami ng nais tumestigo. Sa isang pahayag, ibinida ni Assistant Ombudsman Mico Clavano ang nasa 42 indibidwal na aniya’y nagpahayag ng kahandaan kaladkarin si Romualdez sa katiwalian sa likod ng tinaguriang flood control scandal. Bukod sa plunder, kabilang sa mga asuntong target ng Ombudsman ihain laban kay Romualdez ang kasong graft, bribery at money laundering. Paglilinaw ni Clavano, kasama sa 42 testigo ang 14 sa 18 ex-Marines na mas kilala sa tawag na “Maleta Boys” ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co. Gayunpaman, makailang ulit nang itinanggi ng dating lider ng Kamara ang alegasyon hinggil sa umano’y pagtanggap ng male-maletang pera mula 2022 hanggang 2025. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Bata todas sa turok ng bakuna kontra tigdas?