MANANATILI sa piitan ni Senador Rodante Marcoleta saq kabila ng paglalagak ng piyansa para sa kasong may kinalaman sa pagtanggap ng P75-milyong donasyon sa panahon ng panunungkulan bilang kongresista sa Kamara.

Una nang nagbayad ang senador ng halagang P90,000 para sa tatlong kaso ng paglabag sa Presidential Decree (PD) 46 sa Sandiganbayan Fourth, Sixth at First Divisions.

Sa ilalim ng umiiral na batas, mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno ang pagtanggap ng regalo o anumang benepisyo habang nasa pwesto.

Samantala, umarangkada na rin sa Sandiganbayan Third Division ang pagdinig sa petition for bail ni Marcoleta sa hiwalay na kasong plunder bunsod ng umano’y “unjust enrichment” sa paglilihim sa milyon-milyong pondo para sa kampanya.

Ang naturang donasyon din ang sentro ng mga kasong PD 46 laban kay Marcoleta at tatlo pang respondent na sina dating Congressman Michael Defensor, Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Gayunman, mananatiling nakadetine si Marcoleta sa New Quezon City Jail dahil nakabinbin pa ang kasong plunder na isang non-bailable offense.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *