ILANG oras matapos ipag-utos ng Sandiganbayan ang pagdakip kay Leyte Rep. Martin Romualdez, agad isinilbi sa dating House Speaker ang warrant of arrest sa pagamutan kung saan nakaratay ang umano’y mastermind sa likod ng flood control scandal.

Gayunpaman, higit na maagap ang kampo ni Romualdez na kagyat humiling sa korte na pahintulutan ang dating lider-kongresista na manatili sa Cardinal Santos Medical Center habang nasa ilalim ng legal na kustodiya.

Giit ni Atty. Ade Fajardo, may malubhang karamdaman ang mambabatas na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa urgent motion na inihain ng mga abogado, tiniyak ni Romualdez ang pagtalima sa mga panuntunan na kalakip ng pagdakip.

Bilang patunay, inilakip sa mosyon ang dokumentong nagsasaad sa kondisyon sa puso at neurological findings na nagrerekomenda ng patuloy na atensyong medikal si Romualdez.

Wala rin anilang pagtuyol si Romualdez kung magtatalaga ng mga pulis na magbabantay sa kanya habang nasa ospital hanggang sa ideklarang medically fit para ilipat sa kustodiya ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *