SA 117 armas na nakapangalan kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, 26 pa lang ang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Civil Security Group Director Maj. Gen. Aden Lagradante.

Sa isang panayam, inamin ni Lagradante na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa kampo ni Dela Rosa, na nagsilbing PNP chief sa panahon ni former President Rodrigo Duterte.

Katunayan aniya, humiling ng reconsideration ang kampo ni Dela Rosa sa pagbawi ng pulisya sa mga lisensya at rehistro ng mga natitirang baril ng puganteng senador.

“By our rules, dapat ma-surrender. But ang last na information, on the process of accounting doon sa mga remaining firearms,” ani Lagradante.

“Actually they are for reconsideration doon sa letter nila sa FEO,” dugtong ng heneral.

Binawi ng PNP ang License to Own and Possess Firearms at registration ng 117 firearms ni Dela Rosa noong Mayo.

Nang tanungin hinggil sa posibleng kahihinatnan ni Dela Rosa kaugnay ng mga baril na hindi pa isinusuko, sinabi ni Lagradante na kasalukuyang nasa ilalim ng administrative revocation ang lisensya ng senador.

“Sa ngayon, administratively revoked yung license niya.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *