HINDI biro ang nararanasang gutom ng sambayanan, ayon sa resulta ng latest survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS). Sa datos ng SWS, lumalabas na tumaas sa 22.6 porsyento noong Setyembre ang bilang ng mga pamilyang Pilipino ang hindi na humaharap sa hapagkainan dahil sa walang makain. Ayon sa SWS, dinaig ng kasalukuyang sitwasyon ang gutom na naranasan ng mga mamamayan noong panahon ng pandemya kung saan umabot lang sa 21.1 percent ang hunger rate bunsod ng ipinatupad na lockdown ng pamahalaan. Buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon nang maitala ang 20.3 hunger rate. Lumabas din sa survey na 16.2 percent ng mga pamilya ang nakaranas ng “katamtamang gutom” o kawalan ng pagkain nang minsan o ilang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Samantala, umakyat sa 6.4 percent ang nakaranas ng “malubhang gutom” o madalas at laging pagkagutom, mula sa 4.5 percent noong Hunyo. Pinakamataas ang antas ng gutom sa Metro Manila na may 27 percent hunger rate. Sa Luzon, tumaas din ang gutom sa 23.6 percent. Bumaba naman ang antas ng gutom sa Central Visayas na may 16 percent. % sa Central Visayas. Napako naman sa 23.7 percent ang hunger rate sa Southern Mindanao. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation VP Sara makikinabang sa pinaigsing paglilitis? Pinalakas na batas vs. illegal recruiters, pasado sa Kamara