WALANG kahirap-hirap na nakalusot sa Kamara ang House BIll 9805 na naglalayong palakasin ang batas laban sa mga sindikato sa likod ng illegal recruitment. Sa botong 247 pabor, ganap na inaprubahan ng mababang kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na akda ni House Majority Leader Sandro Marcos at House Speaker Faustino Dy III. Ayon kay Marcos, pangunahing layunin ng HB 9805 ang amyendahan ang ilang probisyon ng Labor Code and the Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, na pawang may kinalaman sa pagsugpo sa illegal recruitment sa bansa. “With President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. leading the national government and Speaker Bojie Dy at the helm of the House, our job is to make the law catch up with the way illegal recruitment actually operates. Two unlicensed recruiters working together can already destroy several families, so the protection of the law should not depend on waiting for a third conspirator,” pahayag ng kongresista. Bukod kay Marcos at Dy, katuwang din sa naturang panukala sina Agimat partylist House committee on overseas workers affairs chairman Rep. Bryan Mercado-Revilla, Tingog partylist Reps. Yedda Marie Romualdez, Andrew Julian Romualdez, at Jude Acidre, Quezon City Rep. Ralph Wendell Tulfo, ACT-CIS partylist Rep. Jocelyn Tulfo, Davao de Oro 2nd district Rep. Leonel Ceniza, Marinduque lone district Rep. Reynaldo Salvacion, Akbayan partylist Rep. Dadah Kiram Ismula, at Gabriela partylist Rep. Sara Jane Elago. Sa ilalim ng HB 9805, ituturing na “illegal recruitment by a syndicate” ang modus kung may tatlo o higit pang sangkot sa modus kesehodang dalawa lamang ang biktima. Tampok din sa batayan ang ng klasipikasyon ang pagiging non-licensee o non-holder of authority ng mga akusado. Sa ilalim ng HB 9805, ituturing na rin ang krimen bilang economic sabotage, isang non-bailable na kaso sa ilalim ng umiiral na panuntunan ng hudikatura. Nakapaloob din sa pinagtibay na panukala ang pagbibigay ng karapatan sa Department of Labor and Employment (DOLE) o alinmang law enforcement officer na maghain ng reklamo. Mananatili naman aniya ang pagpapatupad ng prohibited recruitment practices gaya ng kabiguang i-reimburse ang documentation at processing expenses kapag hindi natuloy ang overseas job deployment gayundin ang pamamahala ng non-Filipino citizen sa isang licensed recruitment o manning agency. Hangad din aniya ng amyenda sa Labor Code at sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 maiwasan ang coordinated bagamat maliit na unlicensed recruitment groups na makatakas sa pananagutan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Gutom sa panahon ni Marcos, mas malala kesa pandemya