SA bisa ng tinaguriang Manila communiqué, pinagtibay ng mga kasapi ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) ang isang hakbang para sa mas matibay na regional cooperation laban sa security threats, economic disruptions, transnational crime, at iba pang suliraning nakakaapekto sa mahigit na 680-milyong mamamayan sa timog-silangang bahagi ng Asya.

Ang naturang joint communique ay inilabas sa pagtatapos ng 47th AIPA General Assembly, sa panahon ng pamumuno ni House Speaker Faustino Dy III, kung saan nakapaloob ang posisyon ng parliamentary delegations sa usapin ng maritime security, food security, artificial intelligence, migrant workers, at child protection.

Kabilang sa lumagda sa dokumento para sa kanilang collective positions ang AIPA member parliaments mula Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, the Philippines, Singapore, Thailand, Timor-Leste, at Vietnam.

Sa ilalim ng temang “Parliaments Securing a Peaceful, Prosperous, and People-Centred ASEAN,” ang General Assembly adopted resolutions ay mula sa anim na standing committees on political, economic, social, women’s, youth, at organizational matters.

Kaugnay ng regional security, muling iginiit ng parliamentarians ang kahalagahan ng international law, kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kasabay ng suporta sa hakbang na nagtutulak ng mas matibay na kooperasyon laban sa maritime crimes, cyber threats, drug trafficking, at iba pang cross-border security risks.

Sa usapin ng ekonomiya, suportado naman ng mga delegado ang mas matatag na food reserves, agricultural resilience, energy security, regional trade, at safeguards sa responsible development at paggamit sa artificial intelligence.

Isinusulong din ang mas malawak na pangangalaga sa kapakanan ng migrant workers, malakas na kampanya kontra illegal recruitment at human trafficking, mahusay na access sa healthcare at education, at mga hakbang para protektahan ang mga bata at young people mula sa masamang epekto ng online technology.

Mas lalo rin pinalakas ang institutional reach ng kasalukuyang AIPA general assembly sa pamamagitan ng opisyal na pagdedeklara sa Timor-Leste ta bilang pinakabagong miyembro, gayundin ang paggagawad ng observer status sa parliaments ng Serbia at Spain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *