BAGO pa man ang pagtatapos ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) General Assembly, pormal na isinalin ni House Speaker Faustino Dy III pamamahala sa regional parliamentary organization kay Singapore Parliament Speaker Seah Kian Peng, sa seremonyang ginap sa Shangri-la Hotel Makati nitong Biyernes. Ang presidency turnover ay bahagi ng paghahanda ng 50th AIPA anniversary sa susunod na taon na nilagdaan ni Speaker Dy at Speaker Seah sa Instrument of Transfer, bago ipinasa ng Philippine Congress leader ang AIPA symbolic gavel at flag sa Singaporean counterpart. Panghahawakan ng Singapore ang AIPA presidency at siyang magsisilbing host ng 48th General Assembly sa susunod na taon, kasabay ng paggunita sa limang dekadang pagkakatatag ng organisasyon sa Maynila noong 1977. “Next year, AIPA marks its fiftieth year. It is only fitting that Singapore, one of the five founding parliaments that gathered here in Manila in 1977, will lead us into our golden anniversary,” pahayag ni Speaker Dy sa closing address. Tiniyak ng House Speaker sa Singapore ang patuloy na kooperasyon ng Pilipinas sa pagsalo nito ng responsibilidad na pamunuan ang AIPA sa loob ng itinuturing na milestone year ng nasabing organisasyon. “Mr. President, the Philippines pledges its full support. The seed is good, and we know you will plant it well,” wika ni Dy kay Speaker Seah. Sa panig ni Speaker Seah, binigyang pagkilala si Speaker Dy at ang Philippine Congress sa matagumpay na pagho-host ng 47th General Assembly, kung saan pinuri rin niya ang pamumuna at hospitality na ipinamalas sa participating parliamentary delegations. “Under your able and I would say patient leadership, and I would say this General Assembly has proceeded with remarkable efficiency and effectiveness,” sabi pa ni Speaker Seah sa kanyang acceptance remarks. “The Philippines AIPA Presidency has established an exceptional standard for Singapore to emulate, especially the warm hospitality you have so kindly extended to all of us,” dagdag niya. Binalikan din ni Speaker Dy ang mga naisakatuparan sa panahon ng panguluhan ng Pilipinas at tiwala naman siyang ipagpapatuloy at palalawakin ng Singapore ang mga pangakong napagkasunduan sa Manila General Assembly. “A few moments ago, I handed the gavel and the flag of AIPA to Singapore. With them, the Philippines handed over the seed,” sambit ng lider ng Kamara. Pinasalamatan din ni Speaker Dy ang member parliaments, AIPA Secretariat, at organizers sa kanilang naging kontribusyon sa matagumpay na pagdaraos ng 3-day event. “We came to Manila as eleven stalks. We leave as one bundle, bound together and ready for the seasons ahead. Let’s journey together. One Region. One AIPA. One ASEAN.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 9 paliparan, isasapribado bago bumaba si Marcos 36 resolusyon, ganap nang pinagtibay ng AIPA