BAGO tuluyang ipinasa sa Singaporean counterpart ang liderato, pormal na tinanggap ng 47th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), ang National Parliament of Timor-Leste bilang ika-11 kasapi ng nabanggit na regional parliamentary organization. Sa ginanap na General Assembly, malugod na inihayag ni Dy ang makasaysayang pagpapalawak ng AIPA na aniya’y patunay ng pagkakaisa ng mga bansa sa timog-silangang bahagi ng Asya. Samantala, lubos na ikinagalak ni Timor-Leste National Parliament President Maria Fernanda Lay ang pagtanggap ng AIPA makalipas ang 13-taon ng pagdalo sa AIPA assembly bilang observer parliament. Pormal na rin lumagda si Lay sa Instrument of Accession, o katibayan ng pagiging opisyal na kasapi ng organisasyon. Halaw sa binigkas ni Gat Jose Rizal — ang pambansang bayani ng Pilipinas — sinabi ni Lay na: “In memory of the past, I enter the future. Our people must feel what this membership means in their daily lives and not just hear about our speeches. That is the task we take home from Manila.” Para kay Dy, ang pagsama ng Timor-Leste ang bilang AIPA member ay isang makasaysayang yugto para sa regional parliamentary organization. “This afternoon, we will do something our family has waited a long time to do. We will consider the admission of the National Parliament of Timor-Leste as the eleventh Member Parliament of AIPA,” pahayag ng lider ng Kamara. “In Filipino homes, when another guest arrives at mealtime, the plates do not get smaller. We simply put more rice in the pot. That is how we welcome Timor-Leste. Its people won their nationhood through great courage and sacrifice, and Asean welcomed them as our eleventh member last year. Now our parliaments do the same,” dagdag ni Dy. “To our friends from Timor-Leste: you have a place at this table, and there is more than enough rice for you,” aniya pa. Bahagi ng simbolikong pagpapakita na pagbabago sa istado ng Timor-Leste parliament, inilipat ng General Assembly ang watawat nito mula sa bahaging nakalaan para sa observer parliaments patungo sa bahagi para sa mga AIPA parliament member. Naglagay rin ng upuan para sa pinuno ng delegasyon ng Timor-Leste sa pangunahing mesa, na nagpapakita ng pantay na katayuan ng bansa, kasama ang iba pang mga kasapi ng regional parliament organization. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga ‘overacting’ na Kalihim ni Dayunyor, tatalupan ng CA Paglabas ng hatol kay Sara Duterte, tatawid sa 2027?