MISTULANG umay na sa paglilitis ang mga senador na tumatayong hukom sa isinasagawang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang panayam sa radyo, inamin ni Senate President Sherwin Gatchalian na mas marami sa mga kabarro sa mataas na kapulungan ng kongreso ang nagnanais tapusin ang impeachment trial sa susunod na buwan. “Karamihan sa mga Senator-judges gusto matapos ito before end of the year,” wika ni Gatchalian. Gayunpaman, tila bantulot ang lider na senado — “Pero hindi namin isasalang-alang ‘yung quality at ‘yung magandang pagpepresenta para sa ating mga kababayan.” Pag-amin ni Gatchalian, hangad na rin niyang matapos ang impeachment trial bago matapos ang 2026 para mas maganda ang pasok ng taong 2027. “Ako personally, mas magandang matapos na ito before end of the year para fresh start at fresh beginning para sa lahat. Kahit anuman ang mangyari, whether conviction or acquittal, magandang bagong taon, bagong panimula,” dugtong ng Senate President. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Timor-Leste parliament regular AIPA member na