WALANG aasahang alokasyon ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung kulang ang mga supporting documents, babala ni Senate President Sherwin Gatchalian. “Ang rule sa Senado kung walang dokumento, walang pondo,” wika ni Gatchalian. Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan sundin ang mga patakaran ng Senate Finance Committee. Aniya, kailangan may kumpleto ang dokumento ng proyekto ng DPWH bago isama sa bersyon ng Senado sa 2027 General Appropriations Bill (GAB). Partikular na tinukoy ng lider ng senado ang feasibility studies, local government resolutions, certificates of implementability, at technical descriptions of projects. “Yung mga projects na hindi namin nakitaan, yung limang dokumento mahalaga naire-require ang DPWH. Kung wala itong limang dokumento, tatanggalin namin,” ani Gatchalian. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Paglabas ng hatol kay Sara Duterte, tatawid sa 2027? Cale88 ni Mans Carpio, namumuro sa tax fraud