SA kabila ng banta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa kultura ng katiwalian sa gobyerno, hindi pa rin nagpatinag ang ilang miyembro ng Kongreso.

Sa pinakabagong pasabog ni Senador Panfilo Lacson, nabisto ang “double allocation” sa ilang flood control projects na nasa ilalim ng 2027 General Appropriations Bill (GAB) na pinagtibay ng Kamara.

Garantiya ni Lacson, hindi palulusutin ang itinutulak na pondo sa mga naturang proyekto.sa pagtalakay ng Senado sa panukalang budget — kahit pa umabot sa bicameral conference committee.

“Meron pa rin kaming nasilip. Double appropriations. Flood control na nga, doble pa ‘yung appropriations,” wika ni Lacson sa isang panayam sa radyo.

Buking din sa senador ang 30 “ghost” multi-purpose building (MPB) na kabilang sa mga proyekto ng DPWH.

Una nang tinuligsa ni Lacson ang alokasyon para sa 3,950 MPB — bukod pa sa 1,584 MPB na nasa ilalim ng Financial Assistance to Local Government Units (LGU) subprogram ng Local Government Support Fund (LGSF) mula 2022 hanggang 2026.

Bilang patunay, tinukoy ni Lacson ang mga proyektong pinondohan pero walang resulta mula 2024 hanggang 2026.

“Ang na-flag ng team namin at least 30 kung saan-saang sulok ng Pilipinas,” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *