PARA kay Supreme Court Chief Justice Rodil Zalameda, hindi angkop na itengga ang mga kaso sa husgado. Sa ika-17 paggunita sa tinaguriang Maguindanao Massacre, hiniling ni Zalameda sa Court of Appeals (CA) ang pagresolba sa nakabinbing apela ng mga akusado para na rin sa ikapapanatag ng mga naulila ng hindi bababa sa 58 biktima — kabilang ang 32 mamamahayag. “I therefore urge the Court of Appeals to resolve the pending appeals with dispatch, consistent with due process and rights of all parties. Let us ensure that justice is not delayed any further,” wika ng punong mahistrado. Taong 2019 nang hatulan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ng reclusion perpetua ang mga pangunahing akusado sa 57 counts ng murder. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Double allocation bistado sa proposed budget ng DPWH Bata ni Sotto ibinalik bilang CA secretary