KASABAY sa paggunita ng National Children’s Month, isang mahalagang hakbang ang naisakatuparan ng Kamara para matiyak ang mas malusog na kinabukasan para sa mga batang Pilipino.

Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, maituturing din makasaysayan ang naging pag-apruba sa bicameral conference committee ng panukalang National Children’s Nutrition Act, na layung mapalawak ang feeding program at pagkakaroon ng komprehensibong pambansang inisyatiba sa nutrisyon na nakabatay sa bawat yugto ng buhay ng mga bata.

Giit ni Speaker Dy, isa sa mga pangunahing may akda ng nasabing panuklang batas, higit pa sa isang tagumpay sa lehislatura ang pamumuhunan sa kalusugan, dignidad, at kinabukasan ng bawat batang Pilipino.

“Naniniwala ako na isa sa pinakamahalagang pamana na maibibigay natin sa susunod na henerasyon ay ang pagkakataong lumaki silang malusog, malakas, at may magandang kinabukasan,” pahayag pa ng House Speaker.

“Hindi dapat maging hadlang ang gutom at malnutrisyon sa pangarap ng kahit sinong batang Pilipino. Kaya sa Bagong Kongreso, isinusulong natin ang mga batas na tunay na nagmamalasakit sa ating mga kabataan at nagbibigay sa kanila ng mas magandang simula sa buhay,” dagdag niya.

Sa reconciled version ng House Bill No. 9466 at Senate Bill No. 2272, nakapaloob ang pagbalangkas ng isang National Children’s Nutrition Program, na hindi lamang nakatuon sa tradisyunal na school feeding, sa halip ay saklaw din ang interbensyon mula sa yugto ng pagbubuntis hanggang sa edad na pang-eskwela.

Pinalawak din ang feeding program para sa mga batang edad dalawa hanggang wala pang limang taong gulang, pagkakaroon ng universal feeding sa public schools mula Kindergarten hanggang Grade 3, at feeding programa sa mga estudyante sa Grade 4 hanggang Grade 6 na kulang sa nutrisyon at mga mag-aaral na kabataang nagdadalang-taong at iba pa nasa vulnerable sector.

Mayroon din probisyong 30 percent ng kabuuang dami ng mga produktong agrikultural at pangisdaan na kailangan para sa feeding programa na kailangang direktang bilhin mula sa mga lokal na magsasaka at mangingisda kung saan bibigyan ng prayoridad ang maliliit na lokal na magsasaka at mangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *