PARA sa dalawang mataas na opisyal ng Kamara, kahina-hinala ang timing ni Atty. Manases Carpio sa pag-divest ng 47.5 shares sa Cale88 Food Corp. na itinaon pa mismo sa kasagsagan ng usapin sa unexplained wealth ng kabiyak na si Vice President Sara Duterte. “’Yan nga ang isang katanungan na ngayon ay lumabas dahil ’yung timing nang paglipat ng pag-aari ay somehow suspicious,” wika ni Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin. “Nakita naman natin, kung talagang gusto nilang ilipat ’yan, matagal na nila dapat ginawa. Pero noong nagiging issue na, lalong-lalo na tungkol sa unexplained wealth ng ating Bise Presidente, doon lang nagkaroon ng movement,” bulalas naman ni Deputy Speaker at Zambales Rep. Jefferson “Jay” Khonghun. Sa nakaraang impeachment trial sa bise presidente, lumabas na sa General Information Sheet (GIS) na isinumite ng Cale88 sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 2025, ay hindi nakalagay ang pagkakaroon ng nasabing shares of stocks ni Carpio. Ayon pa kay Trade Undersecretary Seferino Rodolfo, managing head ng Board of Investment (BOI), hindi naman humihingi ng prior approval ang Cale88 para sa transfer of ownership nito, at ipinagbigay-alam lamang sa kanilang ang pagbabago noong July 8, 2026 at inaprubahan nitong Oct. 29. Nauna rito, binusisi rin ang record ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at bigong naipakita ang opisyal na paglilipat o pagbebenta ni Carpio ng kanyang shares sa Cale88. Samantala, sinabi rin ng ranking House leaders na handa at inaabangan na rin ng prosekusyon ang huling yugto ng impeachment proceedings kay Duterte, na hanggang sa ngayon ay bigo umano ang kampo ng huli na kontrahin ang akusasyon pagkakaroon ng P817.87 million unexplained wealth. “Lagi namang handa at pinag-aaralan natin kung ano ’yung mga dapat gawin at mga posibleng pangyayari sa korte. So, I’m sure ngayon pa lang naghahanda na,” pagtitiyak ni Khonghun hinggil sa plano ng House prosecution. Paliwanag naman ni Garin, kabilang sa inaasahang magiging bahagi ng final stage ng impeachment trial ay ang formal offer of evidence ng depensa, ang rebuttal dito ng prosekusyon at pagbibigay ng closing arguments. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation P1-M multa kontra pirata kasado sa Kamara