SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga tirada sa kanya ni dating pangulong Rodrigo Duterte’s ay posibleng dahil sa paggamit nito ng malakas na painkiller na fentanyl.
Nitong Linggo, sunud-sunod na pagbatikos ang natikman ni Marcos nang balaan ni Duterte na posibleng sumunod sa yapak ng kanyang ama na pinatalsik na posisyon. Mahigpit ding tinutulan ni Duterte ang hakbang na amyendahan ang 1987 Constitution.
“I think it’s the fentanyl,” sabi ni Marcos nang tanungin hinggil sa sinabi ni Duterte. Sinabi ni Marcos na ibinunyag ni Duterte na gumagamit ito ng fentanyl dahil sa tinamong spinal injury nang maaksidente sa pagmomotorsiklo. Marcos on Duterte tirades: ‘I think it’s the fentanyl’
“Fentanyl is the strongest painkiller that you can buy. It’s highly addictive, and it has very serious side effects. PRRD has been taking the drug for a very long time now… I hope his doctors take better care of him,” sabi ni Marcos sa mga reporters.
