BAKIT hindi nga ba hindi magkaroon ng rebate ang mga kababayan natin na bibili ng Electric Vehicles o kaya Hybrid Vehicles at Electric Motorbikes pati na rin ang magpapalagay ng renewable energy source sa kanilang bahay upang mabawasan ang carbon emission kaugnay ng climate change na dinaranas ng Pilipinas at iba pang bansa?
Maliban sa rebate, marahil nararapat lang na kumbinsihin ng pamahalaan ang mga negosyanteng nagbebenta ng mga hybrid vehicles, electric vehicles pati na solar at wind energy na magbigay ng no downpayment at zero interest sa kanilang monthly installment plan.
Kung maipapatupad ito ng pamahalaan, posibleng 70 percent ng mga tahanan at paupahan sa ating bansa ay gagamit na rin ng renewable energy source.
Maganda rin kung kukumbinsihin ng pamahalaan ang mga ride-hailing companies tulad ng Grab, Angkas, Joyride at iba na magbigay ng diskwento kapag nag book ang mga mananakay ng Electric Vehicles, Hybrid at Electric Motorbikes.
Ang mga suhestiyon ay malaking tulong sa ating bansa upang makasunod ang Pilipinas nating mahal sa pamantayan ng UNFCCC COP 29.
Ang nakakainis lang, marami sa mga nanunungkulan sa bansa natin ay magaling lang sa salita pero kulang sa gawa. Hindi naman kailangan banggitin kung sino sila at sigurado ako kilala niyo ang mga kumag na walang inatupag kundi palalimin ang kanilang mga bulsa.
Ika nga ng mga kaibigan natin sa Australia: “The Climate is Changing…Why aren’t we?”
* * *
Maiba tayo, maraming nagrereklamo sa Eastwood Park and Residential Suites na dinevelop ng Megaworld ni Andrew Tan.
Bakit kaya? Hukayin natin para naman maibahagi ako sa inyo sa mga susunod na linggo.
