HUMIGIT-kumulang 100 pasyente ang mabilis na inilikas ng mga kawani ng Philippine General Hospital (PGH) makaraang sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng pagamutan sa lungsod ng Maynila kahapon.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-3:00 ng hapon nang magsi­mula ang apoy sa main buil­ding ng PGH dakong alas 3:00 ng hapon.

Pagkatapos ng halos 45 minuto, idineklara ng BFP na under control na ang sitwasyon

Kabilang sa mga pansamantalang inilikas at dinala sa iba pang pampublikong ospital sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH) ang mga pasyente mula sa limang wards ng PGHH, gayundin yaong mga nasa Cancer Institute ng naturang pagamutan.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi bunsod ng insidente.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP sa hangaring matukoy ang pinagmulan ng apoy.

Samantala, inatasan na rin ng DOH ang pamunuan ng PGH at iiba pang pampublikonng pagamutan na rebisahin ang DOH fire evacuation plans at magsagawa ng risk analysis sakaling sumiklab ang sunog.

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *