A close-up shot of an unrecognisable man and woman sitting indoors, they are holding smart phones in their hand and they are using them to gamble in an online casino and sports bet online.
Ni ESTONG REYES
HINDI malayong masira agad ang kinabukasan ng mga kabataan kung hindi pagtutuunan ng pamahalaan ang tila kawalan ng mekanismong magbibigay katiyakan na hindi makakapasok sa online casino ang mga menor de edad.
Bilang pambungad na hakbang, isang resolusyon ang inihain ni Senador Lito Lapid na naglalayong imbestigahan ang pagkalulong ng mga kabataan sa kabi-kabilang sugal sa online at mobile platforms.
Sa inihaing Senate Resolution No. 963, binigyang-diin ni Lapid na tumatayong chairman ng Senate committee on games and amusement, ang obligasyon ng pamahalaan protektahan ang mga kabataan laban sa paglaganap na bisyo sa iba’t ibang digital platforms at social media.
“While the Senate recognizes the economic gains brought about by gambling operations in the Philippines and around the world, it should not come at the cost of our youth,” ani Lapid.
“One way to protect the Filipino youth is to examine seemingly harmless platforms such as social media sites…and payment hubs, and the like to ensure that they are not being misused for illegal online gambling activities. Sufficient safeguards and programs must be in place to prevent Filipino children from being lured and victimized by online gambling,” aniya.
Sa pagsusulong ng imbestigasyon, iginiit ni Lapid na tumaas ang bilang ng banta sa cybercrime sanhi ng online gambling tulad ng estafa at identity theft, at “the inexperience and naivete of our youth would make them much more vulnerable to these malevolent acts.”
“There is [a] need to investigate the regulation of gambling activities and the platforms on which they are accessed to prevent the corruption of the youth towards the vice of gambling,” dagdag ng senador.
“The proposed legislation is deemed instrumental to lessen, if not at all eliminate, the exposure and impact of gambling to the general public, especially the youth, that brings lasting damage to individuals, families, and even communities,” giit ni Lapid.
Naniniwala rin ang senador na delikadong malulong ang kabataan sa online gambling dahil maaga silang nalalantad sa bisyo sa pamamagitan ng social media platforms tulad ng Facebook, X, Instagram, at Tiktok.
Ito rin anoya ay nakakasira sa kanilang pagpapahalaga (values) at moralidad (morality) kung hindi maagapan ng pamahalaan.
“Kung ang kabataan ay nakakalusot sa paglalaro ng online gaming, paano natin sila palalakihin ng maayos at may moralidad sa buhay. Nakalulungkot na masisira ang pagpapahalaga ng ating kabataan sa masamang bisyo at posibleng maitaya pa nila ang konting baon sa eskwela. Ang masaklap pa nito, baka maging mitsa ito ng pang-uumit sa kanilang mga magulang at matuto na rin silang magnakaw, gaya sa mga karakter sa FPJ’s Batang Quiapo,” ani Lapid.
Partikular na tinukoy ni Lapid ang mga online gambling na kinahuhumalingan ng mga kabataan – poker, roleta, color games at iba pang sugal na tulad ng casino.
