Ni EDWIN MORENO

HAYAGANG tinabla ng mga sundalong Pilipino si dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa panawagan bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayong Commander-in-Chief ng bansa.

“Our soldiers, pilots, sailors and marines remain dedicated to our mandate of safeguarding the so­vereignty and territorial integrity of the Philippines, regardless of any political affiliations or individuals in authority,” wika ni Colonel Francel Margareth Padilla na tumatayong tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Padilla, patuloy na maninindigan ang AFP sa sinumpaang profesionalismo, katapatan sa 1987 Constitution at pagsunod sa Chain of Command.

Partikular na tinukoy ng AFP ang hirit ni Alvarez na kinatawan sa Kamara ng unang distrito ng Davao Del Norte sa pagkalas ng AFP sa administrasyon sa paniwalang kusang bababa sa pwesto ang Pangulo sa sandaling mapagtantong wala na ang suporta ng mga sundalo sa kanyang pamumuno.

Para sa Padilla, mandato ng AFP protektahan ang Pilipino at tiyakin mananaig ang batas. Tiniyak din ng AFP spokesperson na gagampanan ng mga sundalong Pilipino ang tungkulin na may kalakip na integridad, walang kinikilingan at may lubos na dedikasyon.

Sa panig ng Philippine National Police, (PNP), pag-aaralan naman anila ng PNP legal officers ang posibilidad na sampahan ng kasong sedisyon ang dating House Speaker.

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *