SA gitna ng walang humpay na patutsada ni former President Rodrigo Duterte, nananatiling maayos ang relasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Vice-President Sara Duterte.
Gayunpaman, aminado si Marcos na masalimuot ang relasyon niya sa pamilyang Duterte.
“It’s complicated,” wika ng Pangulo bilang sagot sa katanungan ng mga peryodista hinggil sa alyansa ng tambalang BBM-Sara noong May 2022 election, sa kabila pa ng walang humpay na batikos at pagbabanta ng ama ng bise-presidente sa administrasyong Marcos.
Garantiya ni Marcos, hindi naman aniya naputol ang linya ng komunikasyon sa pagitan niya at ni VP Sara.
“Kung paano kami noong kampanya, ganun pa rin naman kami pagkatapos ng eleksyon… walang nagbago.”
Sa panig ng batang Duterte – “I’ll just work. Don’t worry about it. I’ll just work and work and work and work.”
