Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
SA hangarin tiyakin ang kaligtasan ng apat na Pinoy seamen, nanawagan ang pamunuan ng Kamara de Representantes ng mabilis at mapayapang paglutas sa pagsabat ng Iranian authorities sa sinasakyang Portuguese-flagged container ship na MSC Aries sa bahagi ng Strait of Hormuz kamakailan.
“In times of crisis, our foremost concern is the safety and security of our Filipino seafarers. We call for a peaceful resolution to swiftly resolve this distressing situation and ensure their prompt return home,” saad sa pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
“The seizure of the MSC Aries deeply troubles us because it poses a potential threat to the safety of our Filipino seafarers. Ensuring their safety and well-being is the government’s utmost priority,” dugtong ng lider-kongresista.
Bagama’t sa nagpaabot na ng tulong sa pamilya ng apat na Pinoy seafarers ang Department of Migrant Workers alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., higit na angkop pa rin aniya tutukan ng international community ang pagresolba sa insidente kung saan lumalabas na nadamay lamang aniya ang mga Pinoy seaman na ang tanging hangad ay maghanapbuhay.
Ayon kay Romualdez, masusing nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa licensed manning agency, ship manager, at operator ng nasabing foreign sea vessel para sa layuning mapalaya na ang naturang Filipino crewmen.
Binigyan-diin ng Leyte lawmaker ang kahalagahan ng international collaboration at pangangailangan na para sa mapayapang pagresolba sa insidenteng ito.
“Now more than ever, global cooperation is essential to navigate through this challenging situation,” aniya pa.
“We must work together towards a peaceful resolution to ensure the safety and well-being of all involved parties.”
