KAYABANGAN sa tinamong yaman ang posibleng magpabagsak ng mag-asawang kontratistang dawit umano sa mga ghost flood control projects ng Department of Public Works and Highways.
Sa isang kalatas, nagpahayag ng kahandaan ang Bureau of Customs (BOC) na imbestigahan ang nasa 40 imported luxury vehicles ng pamilya ng talunang Pasig City mayoralty candidate na si Sarah Discaya.
Kabilang sa pinagbatayan ng BOC ang panayam kay Discaya sa isang programa sa telebisyon kung saan pinagyabang ang mga luxury cars na binili mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Kabilang ang mga kumpanya ni Discaya sa 15 contractors na iniimbestigahan ng Senado bunsod ng nadiskubreng ghost flood control projects.
“Patitingnan ko po agad, makakaasa kayo,” ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno sa isang panayam sa radyo.

Karagdagang Balita
Pork barrel scam: Enrile abswelto sa Sandigan
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Kaso vs. DPWH officials swak na sa Ombudsman