
KUNG pagbabatayan ang dami ng nagpatala sa isinasagawang voters registration ng Commission on Elections (Comelec), tila mas marami na ang nais maging bahagi sa pagpapasya kung sino ang karapat-dapat na iluklok sa pwesto sa nalalapit na halalan sa Mayo.
Sa datos ng Comelec, nalampasan na ng poll body ang target na tatlong milyong bagong botante para sa 2025 midterm election.
Batay sa pinakahuling bilang ng komisyon, aabot sa 430,000 indibidwal ang nagsumite ng aplikasyon sa mga itinalagang voters registration centers para maging ganap na botante sa gaganaping 2025 national and local elections.
Sa kabuuan, 3,642,176 na ang naghain ng voters application – mas mataas kumpara sa 3,210,523 na naitala noong nakalipas na buwan ng Mayo.
Buwan ng Pebrero nang sumipa ang voters registration sa hangarin ng Comelec na maitala ang nasa tatlong milyong kwalipikadong indibidwal. Magtatapos naman sa voters registration pagsapit ng ika-30 ng Setyembre ngayong taon.
Pinakamarami ang bagong botante mula sa Southern Tagalog region na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon na pumalo sa 632,493 aplikante.
Nasa pangalawang pwesto ang National Capital Region na may 510,590; Central Luzon (422,092), Central Visayas (248,193), Davao (213,0300, Western Visayas (200,351), the Bicol region (165,056,) at Western Mindanao (146,793).