
MATAPOS ang maingat na pagsusuri, tuluyan nang tinanggal ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ng 117 aspirate sa posisyon ng senador sa nalalapit na May 2025 midterm elections.
Sa isang pahayag, inilabas na rin ni Comelec chairman George Garcia ang tinawag niyang final list kung saan pasok ang 66 kandidatong mag-aagawan sa 12 mababakanteng pwesto sa mataas na kapulungan ng kongreso.
“Sixty-six po ang ating senatorial aspirants at yan po ay ilalabas namin ‘yung ballot faces next week,” ani Garcia sa panayam sa radyo.
Gayunpaman, may mga nakabinbin pang mosyon na inihain ng mga aspiranteng inihanay ng Comelec sa kategorya ng “nuisance candidates.” Inaasahang pagpapasyahan ng komisyon ang mga apela bago matapos ang taon.