
HAYAGANG inamin ng pamunuan ng Department of Justice (DOJ) na nakikipag tulungan ang pamahalaan a International Criminal Court (ICC), sa kabila ng pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute noong 2017.
Paglilinaw ni Justice Secretary Crispin Remulla na hangad lamang ng kagawaran bigyan ng karampatang proteksyon ang mga tatayong saksi sa ICC na may hawak ng kasong crimes against humanity laban kay former President Rodrigo Duterte.
Gayunpaman, iginiit ng Palasyo na hindi “direkta” ang tulong ng pamahalaan sa ICC lalo pa umano’t hangad lang ng administrasyon tulungan ang mga kapwa Pilipino sa paghahanap ng hustisya kaugnay ng malawakang patayan na kalakip ng madugong giyera kontra droga na inilunsad ni Duterte.
“Parang sa ating pagkakadinig ay tutulungan ng DOJ ang mga witnesses para makapag-testify, para mabigyan ng hustisya ang dapat na mabigyan ng hustisya. Hindi directly makikipagtulungan sa ICC,” pahayag ni Castro.
Paliwanag pa ni Castro, ang aksyon ng DOJ ay tugma sa ninanais ng Commission on Human Rights (CHR) na tiyaking may hustisya para sa mga biktima ng karahasan o pang-aabuso.
Inamin din ni Castro na may basbas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang ng DOJ.