MATAPOS ang sunod-sunod na pasakit, magandang balita naman ang sasalubong sa mga motorista pagsapit ng Martes, Hulyo 1, 2025.
Sa isang kalatas, inihayag ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), maglalaro sa pagitan ng P1.60 hanggang P2.10 ang posibleng mabawas sa presyo kada litro ng krudo.
Nasa piso hanggang P1.40 naman umano ang inaasahang tapyas sa gasolina.
Pinakamalaki naman ang kaltas sa presyo ng kerosene na mababawasan ng P2.00 hanggang 2.20 kada litro.
Paliwanag ng DOE-OIMB, malaking bentake sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ang paghupa ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
