
Ni Ernie Reyes
SUPORTADO ni Senador Chiz Escudero ang bagong linya ng Department of Tourism (DOT) na bigyan ng pagkakataon ang “Love the Philippines” bilang bagong tourism slogan kapalit na “It’s More Fun in the Philippines.”
Ngunit, tablado naman kay Senador Nancy Binay ang bagong islogan dahil mas maraming prayoridad na gastusin ang pamahalaan at kapos sa pondo ang gobyerno upang gastusan ang pandaigdigang paglulunsad ng bagong islogan.
Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ni Escudero na bibigyan niya ang tiyansa ang bagong tourism islogan upang makaakit ng dayuhang turista na magpapasigla ng eknomiya ng bansa.
“While I believe in the saying ‘if it ain’t broke, why fix it?’ I am willing to give it a chance,” ayon kay Escudero.
Ngunit, ayon sa beteranong mambabatas na magiging epektibo lamang ang bagong tourism slogan na nakadepende sa maraming salik tulad ng kakaibang handog ng destinasyon, target audience at marketing strategy kumpara sa P5.6 milyon na inilaan sa “it’s More Fun in the Philippines.”
Ginawa ng bagong islogan at brand campaign ng isang advertising agency DDB Philippines Inc., sa halagang P50 million, base sa nakatalang terms of reference (TOR) ng Notice of Bids na inisyu ng DOT noong Pebrero.
Ayon kay Escudero, dapat suportahan ng mamamayan ang pagkilos ng DOT sa halip na batikusin kaagad.
“The last thing I want is for our country and people to be seen bickering about our slogan in front of foreigners or tourists—our putative market,” aniy.
“I refuse to be part of any such thing until we have given it a chance,” giit ng senador.
Inamin din ni Escudero na maganda ang naging resulta ng “It’s More Fun in the Philippines” na inilunsad noong 2012 kaya umabot sa mahigit 4.47 milyong turista ang dumating noong 2013 hanggang umabot sa P8.26 milyo nitong 2019 bago magkaroon ng pandemya sa unang bahagi ng 2020.
Aniya, dapat ang isang magandang tourism slogan ay dapat catchy, madaling tandaan at naghahatid ng positibong mensahe upang maakit ang esensiya ng pupuntahan tulad ng “Incredible India.”
“My personal favorite is ‘Incredible India.’ This slogan, for me, works well because it is simple, memorable, and accurately capture the essence of the destination it represents,” ayon kay Escudero.
Samantala, medyo bantulot naman si Binay na suportahan ang bagong islogan dahil maraming kaakibat na gastusin ang kailangan upang magkaroon ito ng positibong resulta sa pandaigdigang paglulunsad.
“It’s the rich sensory experience, the interesting cultural and historical narratives, the profound emotional connection, the notable authenticity, the sense of place, the diverse culinary landscape, the immersive engagement, and joyful spirit of our people that make the Philippines a fun and an unforgettable tourist destination. And almost always, the Philippines captivates the interest of travelers and tourists because of her unique charm,” aniya.
Sinabi ni Binay na maganda nama na ipakita sa buong mundo na nakatayo na tayo sa ating sariling paa at nakahandang tanggapni ang mga dayuhang bisita.
” We appreciate the initiative of the DOT to enhance its marketing pitch to kickstart tourism. And I believe dumaan naman sa FGDs ang slogan,” aniya.
“Pero, for me, it’s a question of timing,” giit ng mambabatas.
Iginiit ni Binay na laging may kakambal na gastos ang pagbabago ng slogan—“and it would entail a huge amount of US dollars to start and sustain a new campaign.” “Sa dami ng mga kailangang nating unahin at i-prioritize na pagkagastusan, we don’t have sufficient funds to finance a re-brand.”
“Kaso, nandyan na nga ‘yan. ‘Ika nga, ‘pag love mo ang isang tao o bagay, tatanggapin mo anuman ‘yung kanyang kakulangan, and willing ka pa rin bigyan ng chance—with the hope na mag-work out,” ayon sa mambabatas.