
WALANG magaganap na snap election, ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia.
Bukod sa kailangan pagtibayin ng Kongreso ang isang amyenda sa umiiral na Saligang Batas para sa isang biglaang halalan, wala rin aniyang pondong nakalaan para sa snap election na hirit ni Senador Alan Peter Cayetano.
Malinaw rin aniya ang nakasaad sa Saligang Batas, fixed term para sa mga “elective officials” tulad ng pangulo, pangalawang pangulo, senador at mga kongresista sa Kamara.
“Syempre kinakailangang mag-appropriate ng public fund para sa isang halalan. Hindi basta-basta pwede gumastos si Comelec ng pondo o bigyan kami ng pondo para lang po gastusin sa isang halalan,” wika ng Comelec chairman.
“Wala po tayong budget tungkol po diyan (snap election). Wala rin po doon sa dinefend namin budget sa Senado at sa Kongreso.” (CESAR MORALES)