KUNG pagbabatayan ang pinakahuling resulta ng isang political survey, walang kaduda-duda ang panalo ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sakaling patulan ang panawagan na nagtutulak sa kanyang pagbabalik pulitika sa susunod na taon.
Batay sa resulta ng pinakahuling Pulso ng Pilipino survey, nakasungkit ng 63% preference rating si Duterte. Tabla naman sa pangalawang pwesto sina House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at reelectionist Sen. Bong Go na may 50 porsyentong preference rating.
Pasok din sa Magic 12 sina dating Senate President Vicente Sotto III, Sen. Imee Marcos, dating Senador Manny Pacquiao, Sen. Ronald dela Rosa, dating Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Francis Tolentino, Sen. Pia Cayetano, Sen. Bong Revilla, Sen. Lito Lapid.
Ayon sa Pulso ng Pinoy, may kabuuang 1,200 respondents na mga rehistradong botante ang lumahok sa naturang survey.
