KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na kabilang si dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa mga sinampahan ng kasong plunder kamakailan.
Ayon kay Atty. Polo Martinez na tumatayong tagapagsalita ng departamento, direktang inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong plunder kaugnay ng maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Bukod kay Bonoan, swak din sa asunto si Senador Jinggoy Estrada.
Gayunpaman, wala pang itinakdang petsa para sa preliminary investigation ng kaso na itatalaga pa lamang sa assigned panel of prosecutors na siyang hahawak ng imbestigasyon. (JULIET PACOT)
