PAGKATAPOS ipatupad ang dambuhalang dagdag-presyo, biglang kumambyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos kapunin ang ipinapataw na excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.
“Sa ilalim ng kapangyarihan na ibinigay sa atin ng batas, tinanggal ko na ang excise tax sa LPG at sa kerosene,” wika ni Marcos sa isang pulong-balitaan.
“Ang katumbas nito ay P3.36 ang bawas ng kada kilo ng LPG, halos P37 sa isang tangke ang mababawas na presyo,” anang Pangulo.
Samantala, nasa P5.60 naman kada litro ang matatapyas sa presyo ng kerosene, na aniya’y makatutulong sa pang-araw-araw na gastusin sa pagluluto ng mga pamilya sa bansa.
Gayunpaman, inamin ni Marcos na kailangan pang talakayin sa pulong ng ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) ang mungkahing kalusin ang excise tax sa diesel at gasolina.
Tatalakayin din aniya sa naturang pulong ang pagtiyak sa suplay ng pagkain, langis, at iba pang mahahalagang raw materials na kailangan upang mapanatiling matatag ang ekonomiya.
“Inutusan ko na ang Department of Agriculture at saka ‘yung Tariff Commission, pababain ang taripa sa mga inaangkat na pagkain.
Una nang umamin ang isang opisyal ng Department of Finance (DOF) na walang katiyakan ang hirit na suspensyon sa ipinapataw na excise tax sa gasolina at diesel.
