KINASTIGO ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy ang kautusan ng Court of Appeals sa hirit na freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pondo at pag-aari ng KOJC, Swara Sug Media Corporation at Sonshine Media Network (SMNI).
Panawagan sa Department of Justice (DOJ) ni Atty. Israelito Torreon na tumatayong abogado ni Quiboloy, isang masusing pag-aaral sa 2-day freeze order na inilabas ng AMLC kasunod ng desisyon ng CA.
Ayon kay Torreon, wala man lang aniyang nakatalang basehan o kalakip na ebidensya sa inilabas na freeze order ng AMLC.
Bukod sa KOJC na itinatag mismo ni Quiboloy na nahaharap sa mahabang talaan ng mga kasong kriminal sa Pilipinas at maging sa Estados Unidos, pinaniniwalaang pag-aari rin ng puganteng pastor ang mga kumpanyang Swara Sug at SMNI.
