BAHAGYANG makakatipid ng hindi bababa sa P15.3 milyon kada tao ang mataas na kapulungan matapos kumpirmahin ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi pa kinukuha ng apat ng senador ang kanilang buwanang sahod.

Partikular na tinukoy ni Gatchalian ang sweldo ng mga mambabatas na sina Senador Ronald Dela Rosa, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta at Loren Legarda. 

Kasalukuyang nakapiit sina Estrada at Marcoleta, habang patuloy na nagtatago naman si Dela Rosa na target ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court kaugnay ng partisipasyon sa madugong giyera kontra droga noong nagdaang administrasyon.

Samantala, nasa ibang bansa naman si Legarda para sa “medical leave.”

“Nag-file siya ng medical leave [Legarda] hindi rin niya kinuha ang kanyang sweldo. In fact, ‘yung mga senador na naka-detain, and senator at large hindi rin nila kinuha ang sweldo nila voluntarily,” wika ni Gatchalian sa isang ambush interview.

Paglilinaw ng lider ng senado, seryoso ang karamdaman ni Legarda. 

Nang tanungin kung ano ang sakit ni Legarda, tumanggi na si Gatchalian magbigay ng detalye.

“It’s a very personal issue. Alam ko ang kanyang sakit, Even prior to this, we were personal friends as well nasabi nya ‘yun na meron siyang sakit na seryoso.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *