Ni Estong Reyes
INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang pagbabago sa nakukuhang benepisyo ng senior citizens sa buong bansa kabilang ang Filipinong naninirahan sa abroad na umeedad 80 anyos pataas.
Nitong Lunes, inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. (SBN) 2028 o Expanding the Coverage of the Centenarians Act, para sa Filipino senior citizens na naninirahan sa loob at labas ng bansa na mabibigyan ng P10,000 pagsapit ng 80 anyos.
Mabibigyan din ng halagang P90,000 ang sinumang senior citizens na aabot sa edad na 90 anyos at P100,000 naman para sa may edad na 100 taong gulang.
Ipinanukala ito ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III matapos matasan ng Senado na umaabot sa 79 anyos ang life expectancy ng para sa kalalakhgina at 83 anyos nanamn sa kababaihan.
Sinabi ni Pimentel na maraming Filipino ang hindi nakakarating ng 100 taons gulang at hindi nila nararamdaman ang benepisyo at pribilihiyo ng isang centenarian na mabibigyan ng P100,00 0sa bawat Filipino centenarian.”
Nakatakda din sa panukala na magkakaaroon ng pagbabago sa halaga nito base sa inflation matapos ang isang taon na ipinatutupad ang batas.
“ The adjustment, to be determined by the National Economic and Development Authority, will be based on the average annual inflation in the preceding three years,” ayon sa panukala.
Inaatasan naman ng panukala ang Philippine Statistics Authority, sa pakikipagtulungan sa Departments of Interior and Local Government, Information and Communications Technology at local government units, na lumikha ng data management system recording na kaugnay na impormasyon ng indibiduwal na sakop ng batas.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, co-sponsor ng panukala, na mabibigay monitbasyo ang batas sa senior citizens na mabuhay ng matagal.
“The P100,000 cash gift, which will be equally distributed in three tranches to octogenarians, nonagenarians and centenarians will help pay their living expenses, medicines, healthcare and other necessities,” ayon kay Gatchalian.
