
Ni Estong Reyes
IPINAKULONG ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang isa pang employer ng inabusong kasambahay na si Elvie Vergar na si Pablo Jerry Ruiz matapos itong ma-contempt sa isinagawang pagdinig nitong Lunes.
Nangyari ang pagpapakulong matapos segundahan ni Senator Jinggoy Estrada ang mosyon ni Senator Raffy Tulfo, matapos madismaya sa pagsisinungaling ni Ruiz sa pagdalo sa pagdinig ng komite.
Sa naturang pagdinig, patuloy na pinagtatakpa ni Ruiz ang asaa nitong si France Ruiz na naunang ipinakulong ng Senado matapos ma-contempt ng naturang komite na nag-iimbestiga sa pagmamaltrato kay Vergara.
Ibinasura din ng Senado ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ng mag-asawang Ruiz sa kanilang kalayaan nang maipakulong ng Senado.
Sa kanyang pahayag, binanggit ni Senador Francis Tolentino, nanguna sa pagdinig bilang chairman ng lupon, , ang desisyon ng Supreme Court sa Balag vs. Senate, a nagsasabing “the detention will last upon the end of the legislative inquiry of the Senate through the following actions: approval or disapproval of the committee report; the referral of the committee report to the committee on rules for the assignment in the calendar, or upon the expiration of Congress.”
“The implication of the denial of the motion for reconsideration is that Mrs. [France] Garcia Ruiz will continue detention under the auspices of the [Senate] Sergeant-at -Arms,” ayon kay Tolentino.
Bago magtapos ang pagdinig, hiniling ni Atty Lorman Arugay, legal counsel ng Ruiz couple, ang rekonsiderasyon sa detention orders sa kanyang kliyente matapos katuwiranin na kailangan ng pag-aaruga sa kanilang 2 anak na menor de edad na naiwan sa kanilang tahanan at walang pinagkakakitaan.
“Given this development, this would force the said children to stop going to school and most likely to languish in despair considering that there would be no adult of sufficient age to take care [of] the both of them,” ayon kay Arugay.
Pero, ibinasura ng Senado ang kahilingan ni Arugay.
Ayon kay Estrada, may karapatan ang kanilang anak na dalawin ang kanilang magulang sa loob ng detention center sa Senado at mayroon naman silang kaanak na maaaring mag-aruga sa dalawang bata.
Maaari din silang manatili sa loob ng detention center ng Senado kung gugustuhin ng mga bata at nagdesisyon din ang Senado na maglagay ng hiwalay na kuwarto para sa kanila.
Hindi pumayag ang abogado ng mag-asawa na sumama ang dalawang bata sa detention center dahil gusto nilang sa Batangas sila manatili upang mipagpatuloy ang pag-aaral na hindi pinakinggan ng lupon.