IBAYONG paghihigpit ng sinturon ang kailangan gawin ng sambayanan na nahaharap sa pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin matapos makapagtala ng bagong “record-low foreign exchange rate.”

Sa pagbubukas ng “intraday trading,” pumalo sa P62.25 ang halaga ng piso kontra dolyar — mas mababang palitan kumpara sa P61.888 na naitala noong Huwebes, Agosto 27.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang bagong record low ang pinakamababa sa kasaysayan ng bansa.

Nagbukas ang piso sa P62.05 kontra dolyar at bumagsak hanggang P62.25:$1, bago bahagyang umakyat sa P62:$1 bandang alas-10:10 ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *