
MANANATILI sa The Hague, Netherlands si former President Rodrigo Duterte, matapos ibasura ng International Criminal Court ang hiling para sa “interim release” ng dating pangulong isinakdal sa kasong crimes against humanity bunsod ng madugong giyera kontra droga.
Sa 23-pahinang desisyon, napagkasunduan ng tatlong mahistrado ng ICC Pre-Trial Chamber I na kailangan ang patuloy na pagpiit kay Duterte alinsunod sa Article 60(2) ng Rome Statute.
Hindi rin ikinalugod ng mga mahistrado ang pagtutol ng dating pangulo sa pag-aresto at pagkakakulong.
“With regard to the need to ensure Mr Duterte’s presence at trial, the Chamber recalls that Mr Duterte has, from his initial appearance, contested his arrest and detention, qualifying it as a pure and simple kidnapping,” anang tribunal.
Kabilang rin sa katwiran ng ICC ang panawagan ni Vice President Sara Duterte na ibalik ang dating pangulo sa Pilipinas, gayundin ang umano’y pagkakalat hinggil sa napipintong pagpapalaya sa amang nakakulong sa The Hague.
“In addition, his family not only physically resisted, but also publicly voiced criticism regarding his arrest and detention, and demanded that he should be brought back to the Philippines,” dagdag nito.
“More specifically, the Chamber notes that, on 19 July 2025 Mr Duterte’s daughter mentioned in public speeches the idea of breaking Mr Duterte out of the ICC Detention Centre, and attempted to delegitimise the Court’s proceedings against Mr Duterte, citing collusion between the Court and the government of the Philippines as well as the use of ‘fake witnesses,’” ayon pa sa ICC.