PORMAL nang sinampahan ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang hindi bababa sa 22 opisyal at kontratistang sangkot umano sa maanomalyang proyekto sa mga lalawigan ng La Union at Davao Occidental.
Bukod kay Dizon, kabilang rin sa mga personalidad na dumalo sa paghahain ng kasong paglabag ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sa Office of the Ombudsman si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairperson Andres Reyes.
Hindi naman malinaw kung nakatala ang ICI bilang complainant sa inihaing asunto laban sa mga opisyales ng DPWH La Union 2nd District Engineering Office at Davao Occidental DEO, gayundin ang mga kinatawan ng Silverwolves Construction Corp. at St. Timothy Construction Corp.
Samantala, nilinaw naman ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka na hindi pa kasama sa mga inihaing kaso ang mga alegasyon iniimbestigahan ng komisyon.
Ayon kay Hosaka, ibayong pagsusuri ang isinasagawa ng ICI bago pa man ang pormal na paghahain ng kaso sa husgado.
“The evidence and testimonies we receive must undergo thorough verification before we can send referrals to the Office of the Ombudsman. These should hold up in court.”

Karagdagang Balita
Pork barrel scam: Enrile abswelto sa Sandigan
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Asunto kasado na kontra Zaldy Co, atbp