TUMATAGINTING na P15-bilyon ang nakuha ng isang kongresista sa Kamara sa ilalim ng 2025 national budget, pagsisiwalat ni Senador Panfilo Lacson.
Bukod aniya sa hindi pinangalanang kongresista, ibinisto rin ni Lacson ang pagtanggap ng ilang senador ng ‘pork barrel’ na naglalaro lima hanggang 10 bilyon.
Gayunpaman, tumanggi na si Lacson magbigay ng iba pang detalye sa pagkakakilanlan ng mga nagtamasang mambabatas.
Para kay Lacson, patulay lamang umano ang impormasyon sa tinawag niyang “inequitable distribution” ng public funds sa 2025 General Appropriations Act.
Bago pa man aniya idineklara ng Korte Suprema noong 2013 na “unconstitutional” ang Priority Development Assistance Fund o mas kilala bilang pork barrel, P70 milyon lang ang nakukuha ng mga kongresista habang P200 milyon naman sa mga senador.
“Nang nadeklarang unconstitutional (ang pork barrel), may senador na may P5 billion, meron pang P10 billion. May congressman na may P15 billion,” bulalas ni Lacson sa isang panayam. (ESTONG REYES)
